Pagsakontemporanyo: TOP 10 na pelikula

12:59 AM

1. Maleficent


Isa itong modernong bersyon ng kuwentong The Sleeping Beauty. Ipinakikita rito ang pagbalik-tanaw sa kuwento ni Maleficent, ang kontrabida ng orihinal ng kuwento, bago ang kanyang pagsumpa kay Prinsesa Aurora, na sa kanyang ika-16 na kaarawan, matutsok ni Aurora ang kanyang daliri sa isang suliran, at malalagay siya sa malalim ng pagtulog kung saan makagigising lamang siya sa isang halik ng tunay na pag-ibig. Sa isang radikal na pagbasag ng tradisyon, si Maleficent ang gumising sa prinsesa; ipinakikita rito ang realistikong pananaw sa pag-ibig bilang pagmamahal sa pamilya,na lumalabag sa romantikong tradisyunal na kunsepto ng pag-ibig sa pagitan ng magsing-irog na "prinsipe" at "prinsesa". Moderno rin ang pelikulang ito dahil sa pagbalik ni Maleficent sa kabutihan, na labag sa moralistiko at didaktong tradisyon ng panitikan, kung saan istriktong itim at puti ang pananaw sa mga tauhan.




2. Beastly


Isang pagsasakontemporanyo ng istoryang The Beauty and the Beast, ang Beastly as isang kwento ng isang guwapong lalaki na sinumpaan ng isang mangkukulam dahil sa kanyang masamang ugali. Tulad ng orihinal na kuwento, ang tanging makapagbabago sa kanya ay tunay na pagmamahal. Ito'y moderno sapagkat sa pelikula, si Kyle (ang pangunahing tauhan) ay nalulong sa droga at iba't ibang bisyo bago siya naging isang halimaw. Ang tagpuan sa pelikula ay sa Brooklyn, isang urban na lugar.


3. Romeo and Juliet


Isang pagsasakontemporaryo ng orihinal na kuwento ng dula ni Shakespeare ang pelikulang ito. Tulad ng Noli at Fili Dekada Dos Mil, inilalagay ang kuwento sa modernong tagpuan - sa lungsod ng Verdona Beach sa Miami, sa pagitan ng giyera ng mga Capulet and Montague, dalawang magkaribal na mafia. Naging epektibo ang pagsasakontemporaryo ng tagpuan, habang ipinanatili ang tema ng imposibleng pagmamahal nina Romeo at Juliet laban sa tunggalian ng kanilang mga pamilya.


4. August Rush


Natutulad ang pelikulang ito sa nobelang Oliver Twist ni Charles Dickens, pero katulad ng mga ibang adaptasyon, naiiba ang tagpuan ng kuwento. Habang ginanap sa London tuwing Panahong Industriyal (someone confirm this) ang orihinal na akda ni Dickens, ginanap naman sa modernong panahon sa New York ang August Rush. Ngunit, maraming pagkakapareho ang pelikula at akda sa mga pangyayari, lalo na sa mga nakasentro sa bida. Bilang resulta, parehong nagiging kuwento ang pelikula at akda, ng paglalakbay ng isang bata upang kilalanin ang sarili at makilala ang mga magulang nito, at ang naging pamumuhay nito kasama ang mga namumuhay sa lungsod na kanilang nadatnan.


5. Black Swan


Ang Black Swan ay moderno sa pamamagitan ng pagsasama ng isang ballerina nagpe-play ng “role” na “black swan” sa kanilang mga paparating na recital , Swan Lake. Ito ay ang buod ng mga orihinal na kuwento na may timpla. ang babae sumusubok na ilarawan ang mga katangian ng isang black swan . ito ay dahan-dahan sa pagkuha ng naiimpluwensyahan sa totoong buhay.

6. A Bug's Life


Ang pelikula na ito ay binase sa pabulang The Ant and the Grasshopper ni Aesop. Ang pelikula ay gumamit ng computer-generated animation sa ilalim ng pamumuno ng Disney at Pixar, na gumawa rin ng mga critically acclaimed na pelikula tulad ng Finding Nemo, at Toy Story. Kitang-kita sa pelikula ang pagbasag sa orihinal na akda na naglalaman ng isang kuwento, sapagkat ito ay isang pabula. Sa halip na may isang tipaklong hindi naghanap at nag-imbak ng pagkain para sa taglamig, at humingi sa isang langgam na nakapaghanda, ang mga grupo ng tipaklong, na nasa pamumuno ni Hopper ay nagmamalupit sa mga langgam na bigyan ang mga tipaklong ang malaking bahagi ng pagkain na naani ng mga langgam. Naisipan ng isang langgam, si Flick, na lumaban nalang sa mga tipaklong. Ang pagbabago sa banghay na ito ay isang radikal na pag-dulog sa orihinal na teksto. Makikita natin ang Marxistang ideya ng pag-abuso ng mga nasa-masmataas na posisyon sa mga man-gagawa, at dahil alam ng mga man-gagawa na inaabuso at ginagamit lamang sila, ay nag-alsa sila sa mga nagmamalupit sa kanila. Hindi tulad ng orihinal pabula na may nakatakdang aral, isang repleksyon ang pelikula tungkol sa mga isyu tulad ng abuso sa mga manggagawa.


7. Easy A


isang self- referential pagbagay ng Nathaniel Hawthorne ni The Scarlet Letter na ang tagpuan ay sa isang modernong high school. Tulad ng Clueless, ang kuwento ay tumatagal ng lugar sa isang California mataas na paaralan na kung saan ang Olive ay nakatala. Easy A ay binibitawan and tema ng mga hindi gustong pagbubuntis ay mahalaga sa kuwento Hawthorne ni. Gayon pa man, ang tango patungo sa sekswalidad na ito ay nagbibigay-daan ay hindi ganap na matagal ng drive patungo sa isang masayang pagtatapos.

8. Frozen


Ang naging basehan ng napakatampok na pelikula ng Disney sa nakaraang taon, Frozen, ay ang alamat na isinulat ni Hans Christian Andersen, The Snow Queen. Napakahaba ng orihinal na akda, at madilim ang tono. Maayos na naisakontemporanyo ng Disney at Pixar ang akda ni Hans Christian Andersen, dahil maliban sa maganda, at dalubhasang pag-gamit ng computer generated animation, na gustong gusto ng karamihan ng mga kabataan ngayon, ginawa rin itong musical. Dahil ditto, nakilala and naging popular ang hindi mawalng kantang Let it Go. Naging mas magaan ang tono ng pelikula kaysa sa orhinal na teksto kaya naman naging mas kaaya-aya itong panooring ng mga tao, lalo na ng mga bata.

9. Gulliver's Travels


Ang pelikulang Gulliver’s Travels na pinalabas noong 2010 ay isang pagsasakontemporanyo ng akda ni Jonathan Swift, na tungkol sa isang manlalakbay (Si Gulliver) na naligaw sa dagat at napdpad sa mga iba’t ibang mga kakaibang lugar. Sa halip na isang ika-18 siglong doktor na Englatero, si Gulliver sa bersyon na ito ay isang ika-21 na siglong New York postal clerk. Mahusay ang paghalo ng ga ika-21 na siglong mga aspeto tulad ng teknolohiya, at ang pagbibigay ng mas-naiintindihan bersyon ng wikang Ingles. Nagbigay din ng pelikula ng mga katatawanan upang maakit ang manonood na ipagpatuloy at tapusin ang pelikula.

10. She's the Man



Ito ay isang romantic comedy na pelikula batay sa Twelfth Night o What You Will, isa sa mga sulatan na ginawa ni William Shakespeare. Tulad ng Noli at Fili Dekada Dos Mil, inilarawan ng kuwento sa modernong tagpuan. Ngunit habang ang orihinal ay natagpuan sa Illyria, isang sinauna na baybayin ng Western Balkans sa mga bahagi ng Slovenia, Croatia, Montenegro, at Albania, ang pelikula ay nakatagpo sa Cornwall, UK. Ang mga pangalan ng maraming tauhan ay ipinalit rin sa Ingles di katulad ng mga italyano na pangalan sa orihinal Nakapokus din ang pelikula sa pangunahing tauhan na si Viola at walang subplot. Ngunit sa kabila ng mga kaunting kaibahan, katulad ng pagdagdag ng modernong konsepto at ang unang motibasyon ng pangunahing tauhan, halos nakapareho pa rin ang kuwento ng pelikula sa akda. Ang mga konsepto ng "love triangle" ay nakasalukuyan sa pelikula (bagaman mas komplikado) at ang daloy ng kaganapan ay katulad sa tulad sa akda sa pagpalit ng pagkakakilanlan ng pangunahing tagpuan, ang love triangle, ang pagtuklas ng tunay na pagkakakilanlan ng mga kapatid, at ang romantikong konklusyon ng kuwento.


Kontribyutor: Felicia Cui
Kim Cruz

Taga-gawa ng blog: Kim Cruz






You Might Also Like

0 comments

Popular Posts

Like us on Facebook

Flickr Images